real acuérdo (re•ál a•kwér•do) : noong panahon ng Espanyol, desisyong napagkaisahan ng mataas na hukuman sa pamumuno ng go-bernador heneral
re•ál 1: dating pilak na barya ng Espanya, katumbas ng 12.5 sen-timo 2: salapi sa Brazil, simula noong 1994
real audiéncia (re•ál aw•di•én•sya) : noong panahon ng Espanyol, kataas-taasang hukuman sa Filipinas na may gawaing tíla hu-kuman sa apelasyon at kasangguni ng gobernador heneral
Vice Real Patrono (víse reál pa•tró•no) : noong panahon ng Espanyol, titulo ng gobernador heneral sa Filipinas bílang pinakamataas na kinatawan ng hari ng Espanya na tinatawag na Patrono Real